ELEMENT


Entries About Linkies Stuff FACEBOOK TWITTER FOLLOW DASHBOARD
The owner

Welcome to my online Diary! Feel free to explore around and don't forget to drop some love. :) I am Jesh, btw. 14 years of existence and a proud Filipina! I blow my candles on 12/15/99. Let's be friends. <3

Old Entries



Credits


Basecode/Template : AtinTory .
Editor : Leya Yeolly
Images : WeHeartIt
music : irondj
Header : BaekYeol
DIBORSYO

                                  Diborsyo

                       Ang plano ng Diyos sa pag-aasawa ay buong buhay na pagsasama. “Kaya't hindi na sila dalawa, ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” nakasaad sa bibliya sa (Mateo 19:6). Ang kasal ay napakasagrado, ito ang nagsasama sa dalawang tao na nagmamahalan sa harap ng Diyos. Ito ay para sa mga taong itinadhana sa isa’t isa na pinagsama ng Panginoon. Ang kasal ay napupuno ng tunay na pagmamahalan at dapat na hindi sinisira ng kung sino o kahit na ano pa tulad ng diborsyo. Ang diborsyo ay terminasyon sa isang kasal. Ito ang pagaapruba ng paghihiwalayan ng magasawa.



                        Marami na ngayon ang naghihiwalay na magasawa saan mang panig ng mundo dahil sa iba’t ibang dahilan. Isa sa mga dahilan ay ang pera, ang iba ay hindi matiis ang kahirapan at gusto ng mas maayos na buhay, pero para sa akin ay hindi diborsyo ang solusyon dito kundi ang pagtutulungan at at pagkakaisa nila bilang magasawa. Kasama sa sumpaan ng dalawang tao sa kasalan ang pagsasama sa hirap at ginhawa at dapat nilang panindigan ang kanilang sinimulan. Isa rin sa dahilan ng diborsyo ay ang pangangaliwa ng isa o ng parehas dapat matuto silang magalaga ng tiwala bilang isang magasawa. Dapat ay matuto rin silang makuntento sa isa’t isa kasi ang ibigsabihin nito ay masaya sila sa piling ng bawat isa. Ang pagkawala ng respeto at galang ay nakasasama rin sapagkat ito ay naghahatid ng sakin sa labas man o sa loob, bilang magasawa responsibilidad nilang alagaan ang isa’t isa at hindi ang magtratuhan ng masama. Sa relasyon din nila ay dapat hindi nawawalan ng oras ang isa’t isa para sa kanilang dalawa dahil ang oras ay simbolo rin ng pagibig sapagkat ang pagbibigay mo ng oras sa isang tao ay pagbibigay mo sa kanya ng parte ng buhay mo na hindi na babalik. At dapat nilang tandaan na ang pagaaway ay hindi solusyon sa mga problema at hindi dapat ito pinatatagal.
           
                       Malaki rin ang nagiging epekto nito sa iba’t ibang tao. Una sa lahat ay ang dalawang taong kinasal at naghiwalay rin, matinding sakit at pagtanggap ang pinagdadaanan nila na pwedeng magsanhi ng depression. Humihina rin ang paniniwala nila sa tunay na pagmamahal. Mas malaki naman ang epekto nito sa kanilang anak sapagkat mahihirapan ang isang bata sa katotohanang wala siyang buong pamilya. Nagiging sanhi rin ito ng pagrerebelde at pagtatanim ng galit ng isang bata na pwede nyang madala hanggang paglaki. Ang iba naman ay hindi na naniniwala sa pagmamahal dahil sa sinapit ng magulang. May epekto rin ito sa lipunan at sa komunidad dahil sa ang iba ay gumagaya sa paniniwalang “nagawa nga nila, kami pa kaya.” Nasasaktan rin ang pamilya ng taong nasangkot sa diborsyo pagkat di nila makayang tingnang nasasaktan ang mahal nila.





sample

saple